Tuesday, November 23, 2004

Mary Gina I. (Maria Giny)

Through my loneliest of times, I might have not became sane again if it wasn't for my special friend being there for me. She would always give sense to all of the things I do not, cannot, or would not understand. She is always there to listen when I have something to say. All my deepest, darkest secrets that I cannot imagine saying to another living person, I was able to say it to her in full detail, knowing that my secrets would be safe in her heart.

I am ashamed to admit that she knows me a lot better than I know myself. She gives great unbias advices to difficult situations that I encounter. She provides me with new perspective, telling me if my desisions are being unfair or hurtful to other people, that normally I wouldn't even notice. She becomes the other side of the coin that I usually couldn't see.

She's one of the closest girl I ever met. I enjoy, when we intelligently argue over controversial things. She enjoy as much as I do conspiracy theories. I enjoy hearing her wierd ideas. I simpy enjoy talking to her, giving me new thoughts to ponder, giving me love advices, and our "kulitans" and "asarans". Simply saying, I enjoy her company.

I may find another girl, date another girl, even love another girl, but that girl should accept that I cannot live without my special friend, and that my special friend would always be a part of my life.

She is the better half of my life.

Thursday, November 18, 2004

Mamimiss ko ang lugar na to'

O kay ganda ng bati ng ating kalikasan
O kay init ng yakap ni datu amihan
masiglang kumakaway ang mga puno't kawayan,
pinagmamalaki, kanilang mga dahong ginintuang luntian

namumula ang pisngi ni haring araw
habang siya'y naghahandang lisanin ang ibabaw
kahit na siya'y tila hindi gumagalaw,
kanyang imahen sa tubig, walang awat sa pagsayaw

kahit mataas ng aking kinatutungtungan
paghampas ng alon ay naririnig sa isipan
sa mga higanteng bato na tila nagliliitan
tahimik na nakakumpol sa dalampasigan

di na nagpapaawat ang langit sa pagdilim,
unti-unti nang nagsisilabasan ang mga bituwin,
nagsisimula nang lumamig ang ihip ng hangin,
panahon na para sakin ang lumundag sa bangin

sa aking pagtalon, isip ay tila lumilipad
kahit bawiin ang desisyon, kahit aking ihangad
na ibalik ang sitwasyong, di pa lumulundag
walang makakapigil sa kapalarang sasapitin ng aking palad

palapit na ng palapit ang mga batong matutulis,
nalalanghap ko na ang alat ng along mababangis,
oras ko sa daigdig, ay panipis ng panipis,
hinahanda na ang sarili sa huling paglilitis

Tuesday, November 02, 2004

Alkansyang Kawayan

Aking kayamanan
Pinakaiingatan
Ang alkansyang kawayan

Matigas at mahaba
Sa dulo ay may hiwa
Ang nasabing alkansya

Ang kanyang nilalaman
Ay ang pinag-ipunan
Dulot ay kasiyahan

Walang mata, ni isa
Maaring makakita
Sa kinalalagyan nya

Sikretong nililihim
Dadalhin hanggang libing
Mamilit, papatayin

Lihim na tinatago
Iaalay nang buo
Sa magiging kapuso...

(to be continued)


Powered by Blogger